eto ang puno ng acacia, sa katabi ng puno ang bahay namin, eto ako gumagawa ng blog, ayaw ko na magdamit, ayaw ko na rin maligo, pangarap ko kasi maging madungis at paglaki ko gusto maging isang electric fan. isang araw nanaginip ako, ako raw ay nagugutom, para maibsan ang gutom ko, umakyat ako sa billboard ni Kris Aquino sa Edsa. dumating ang isang rescuer at umakyat at tinanong ako, kung ano ang ginagawa ko sa itaas ng billboard, sabi ko “hu u?”, “fans ako ni James Yap kaya ko ito inakyat! bigyan niyo ako ng cake mula sa goldilocks!”. nagulat ang rescuer at tinanong ako, “may Friendster ka ba? add kita”. kung gusto niyo ako makita, sundan niyo ako, kasi aaalis na ako, ubos na kasi ang rugby. bigla ako naalimpungatan at nagising, aking napagtanto na ang hirap pala suminghot ng rugby pag nakadikit na sa sapatos.
Technorati Tags: buhay flip, bertong balibag, humor, humour
Powered by ScribeFire.
hu u? kung tinext ka.. yan dapat sagot syo
By: tin-tin on September 28, 2007
at 3:27 am